Paggamit sa Bagong Gawang Gusali ng BJMP Cauayan, Pansamantalang Ipinagpaliban!

*Cauayan City, Isabela-* Ipinagpaliban muna ngayon ng Cauayan City District Jail ang pagpapasinaya at pagpapagamit sa bagong gawa na gusali dahil na rin sa kautusan ng Regional Director.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Jail Chief Insp. Gilbert Accad, Jail Warden ng BJMP-Cauayan City, hinihintay na lamang ang occupancy permit at ilan pang mga dokumento para mapasinayaan ang bagong pasilidad at magamit na rin ito ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL’s).

Nakatakda sana na magamit ang nasabing gusali kahapon upang mas maging maayos ang sitwasyon ng mga PDL’s subalit pansamantala muna itong inantala.


Ayon pa kay Jail Chief Insp. Accad, nasuri na ng Bureau of Fire Protection ang buong gusali para matiyak na maayos at ligtas itong gamitin.

Ang bagong gusali ay mayroong 10 selda at may kabuuang 90 na kama na ipapagamit sa 177 na PDL’s ng nasabing bilangguan.

Ang unang palapag ay ipapagamit sa mga babaeng PDL habang ang mga dating selda ay gagawin namang isolation room, infirmary, at ilalaan din para sa mga may edad at may mga espesyal na pangangailangan.

Facebook Comments