Paggamit sa bansa ng COVID-19 vaccine na gawa sa Russia, masyado pang maaga ayon sa isang eksperto

Naniniwala ang isang eksperto na masyado pang maaga para gamitin ng bansa ang bakuna kontra COVID-19 mula sa Russia.

Ayon kay Dr. Edsel Maurice Salvaña, Infectious Disease Specialist sa University of the Philippines- Philippine General Hospital (UP-PGH), kailangan munang tingnan maigi ang datos at kung natapos na ang phase 3 clinical trial nito.

Aniya, wala pang malinaw na ebidensya na ligtas at epektibo itong gamitin kaya mainam na tratuhin muna ito bilang potential investigational drug.


Nilinaw naman ni Salvaña na maaari namang makilahok sa clinical trial ng bakuna basta’t mayroong technical framework, ethics review at proper safety protocol.

Kailangan ding mailathala ito sa review journal para sa tranparency at matignan ng iba’t ibang dalubhasa kung epektibo nga ito.

Facebook Comments