PAGGAMIT SA CANNABIS BILANG GAMOT, APRUBADO NA SA HOUSE OF REPRESENTATIVES

CAUAYAN CITY- Malugod na inanunsyo ni Isabela 6th District Representative Cong. Faustino “Inno” Dy V na naaprubahan na sa ikatlong pagbasa ang house bill na tumutukoy sa paggamit sa canabis bilang gamot.

Sa ginanap na plenary session, 177 na mambabatas ang bumoto upang maaprubahan ang house bill no. 10439 o Access to Medical Cannabis Act.

Ang HB 10439 ay magbibigay-daan sa paggamit ng medical cannabis, gawin itong accessible sa mga kwalipikadong pasyente, at gumawa ng isang Medical Cannabis Office bilang isang regulatory body.


Ginagawa ding legal ng HB10439 ang paggamit ng Marijuana para sa mga pasyente na may espesyal na kondisyon. Gayunman, makukuha lamang nila ito sa pamamagitan ng prescription at supervision ng accredited physician.

Kaugnay nito, ang Medical Cannabis Office na nasa ilalim ng Department of Health, ang siyang mangangasiwa sa implementation nito.

Makikipagtulungan din ang nasabing opisina sa Dangerous Drugs Board upang matiyak at maiwasan ang nonmedical o recreational na paggamit ng marijuana.

Ayon naman sa house committee on dangerous drugs act na mananatiling nasa dangerous at illegal drug list ang Marijuana.

Facebook Comments