Paggamit sa Common Terminal sa Dagupan City, hindi itutuloy

Hindi umano itutuloy ang paggamit ng Local Government ng Dagupan City ang Common Terminal sa lungsod.

Ayon kay Mayor Brian Lim na ang nasabing Common Terminal ay hindi pa ito full functional and operational dahil sa kakulangan ng mga kailangang dokumento para ito ay mabuksan at magamit ng publiko. Matatandaan na ang nasabing Common Terminal ay inilunsad noong buwan ng Hulyo sa lungsod ng Dagupan.

Aniya pa ni Lim na ayaw umano ito gamitin ng mga transport groups na kanyang nakausap dahil bawas umano ito sa kanilang kita at masyadong malayo mula sa central business district.


Dagdag pa nya na malaki ang gagawing pag babago sa ruta ng mga drayber at mga commuters sakaling itutuloy ito.

Facebook Comments