Paggamit sa eroplano at barko ng AFP sa paghahakot ng PPEs mula China, iimbestigahan din ng Senado

Bubusisiin din ng Senado ang paggamit ng pamahalaan ng barko ng Philippine Navy (PN) at eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa paghahakot ng Personal Protective Equipment o PPE mula sa China noong nakalipas na taon.

Kaugnay nito, pinadalhan na ng subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee ang Philippine Air Force at Philippine Navy.

Layon nito na makuha ang mga detalye hinggil sa naturang mga biyahe partikular ang flight details.


Nais din ng Senado na malaman kung ano ang mga kompanya sa China ang binilhan ng PPE at kung paano ito naipamahagi.

Mula sa ulat na nakuha ng Senado, April 2020 nang gamitin ng pamahalaan ang BRP Bacolod ng Philippine Navy at ang C-130 plane ng Philippine Air Force sa pagkuha ng mga PPE sa Xiamen, China.

Sinasabing ang naturang medical supplies ay ibinaba sa Davao City.

Facebook Comments