Ikinabahala ng Gabriela Women’s Party ang mensaheng hatid ng isang commercial ng sandwich na gumagamit sa mga kababaihan.
Sa nasabing commercial ay ikinumpara ang tatlong babae sa iba’t ibang opsyon ng sandwiches na biggest, tastiest, and meatiest na kanilang iniaalok sa isang social media personality na lalake na tinaguriang “loverboy”.
Bunsod nito ay pinaalalahanan ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas ang Subway Philippines na wag gawing “object “ang mga babae sa paglalako ng kanilang mga “sandwiches.”
Giit ng Gabriela, ang mga kababaihan ay hindi karne para ikumpara dahil maituturing itong sexism at misogyny.
Paliwanag ng Gabriela, offensive, insensitive at triggering ang naturang ads lalo at marami tayong mga kababayan Pinay ang nakararanas ng sexual violence at abuse.
Umaasa naman ang Gabriela na hindi na ito gagayahin pa ng ibang kompanya at magiging sensitibo na sila sa dinaranas ng mga kababaihan.
Hinihiling naman ng Gabriela sa kinauukulang kompanya na itigil na ang pagpapalabas sa naturang commercial at mag-isyu ng apology o paumanhin sa publiko.