Walang tutol ang Department of Education (DepEd) sa mungkahi ng Department of Health (DOH) na gawing isolation area ang mga paaralan.
Ito ay bilang ambag na rin ng kagawaran sa mga hakbang ng Pamahalaan na labanan ang pagkalat ng nakahahawang COVID-19.
Pero ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kailangang nilang maglatag ng ilang kundisyon upang hindi naman aniya malagay sa balag ng alanganin ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral na gumagamit ng mga silid-aralan.
Gayunman, sinabi ni Briones na nagpapatuloy pa rin aniya ang ginagawa nilang konsultasyon upang maplantsa ang mga ikakasa nilang kundisyon bago tuluyang mailarga ang plano.
Facebook Comments