Paggamit sa mga eskwelahan bilang COVID-19 facilities, ihihinto na sa katapusan ng Hunyo – DepEd

Maaari nang hindi gamitin ang mga eskwelahang pansamantalang ginamit bilang quarantine facilities para sa COVID-19 sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, layunin nitong ihanda ang mga paaralan sa nalalapit na pasukan sa Agosto.

Aniya, magsasagawa ng disinfection sa mga eskwelahan.


Ang DepEd ay makikipag-partner sa iba’t ibang organisasyon at Local Government Units para sa pagsasagawa ng disinfection.

Sakaling bumagal ang COVID-19 cases sa Hulyo, sinabi ni Nepomuceno na maaaring mag-operate ang mga eskwelahan sa ilalim ng skeletal force at nasusunod ang minimum health standards.

Nitong Abril, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng 660 na eskwelahan bilang quarantine o isolation site para sa COVID-19.

Facebook Comments