Paggamit sa mga pasilidad ng paaralan bilang isolation facilities, nagpapatuloy sa pangunguna ng Philippine Red Cross

Patuloy na ginagamit ngayon ang mga paaralan bilang isolation facilities para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 o yung mga asymptomatic.

Sinimulan ito ng Philippine Red Cross nitong nakaraang Abril pero tuloy-tuloy pa rin ang operasyon sa gitna ng pananatiling mataas ng mga naitatalang COVID-19 cases.

Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, ito ang kanilang paraan ng pagtulong sa mga Pilipino lalo na’t mayroon pa ring mga kakulangan sa isolation facilities.


Sa ngayon, nasa 3,381 pasyente ang natulungan ng PRC sa pamamagitan ng kanilang isolation facilities sa UP, Ateneo, De La Salle College-Benilde, Makati Science High School at Adamson.

Habang mayroon ding pinakabagong pasilidad sa Cagayan Isolation Facility na aabot sa 182 ang bed capacity.

Facebook Comments