Paggamit sa pangalang West Philippine Sea sa mga mapa, textbook, at navigational notices, iminungkahi ng isang kongresista

FILE PHOTO

Iginiit ni Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores ang mahigpit na paggamit ng pangalang “West Philippine Sea” sa mga mahahalagang mapa, textbook, at navigational notices sa mga marino at aircraft upang mas maigiit pa ng Pilipinas ang ating soberanya.

Tinukoy ni Flores na kung titingnan sa Google Maps ay South China Sea lang ang ginagamit kung saan wala ang West Philippine Sea at wala rin ang Philippine Rise.

Napansin din ni Flores na wala ang pangalang West Philippine Sea sa apat na mapang ginamit ng Pilipinas para maipanalo ang Arbitral Award noong 2016.


Bunsod nito ay hiniling ni Flores sa NAMRIA na gumawa ng administrative map ng Pilipinas na nagpapakita sa West Philippine Sea at Spratly Island na nakapaloob sa panukalang Philippine Maritime Zones.

Ayon kay Flores, ang nabanggit na Philippine administrative map na gagawin ng NAMRIA ay dapat gamitin sa panukalang Philippine Maritime Zones Act na nakasalang sa bicameral conference committee.

Facebook Comments