Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit sa Pilipinas ng tocilizumab na ginawa ng Chinese firm na Lizvon.
Ang tocilizumab ay gamot na pangontra sa malubhang epekto ng COVID-19 sa isang tao.
Dahil dito, umaasa si FDA director general Eric Domingo na dadami na ang suplay sa bansa ng tocilizumab na naging in-demand medicine para sa severe COVID-19 patients.
Maliban sa Tocilizumab, sinabi ni Domingo na inaprubahan na rin ng FDA ang baricitinib brands na Barinicix at Barinez na gamot sa COVID-19.
Kapareho ito ng gamot na available na magamit sa ospital at maibenta sa botika.
Sa ngayon, batay sa datos ay umabot na sa 120 licensed medical grade oxygen manufacturers ang nakatanggap ng pag-apruba sa FDA para mag-supply ng gamot sa buong bansa.