Paggamit sa POGO sa surveillance at hacking, posible ayon sa isang senador

Naniniwala si Senate Committee on National Defense and Security Chairman Jinggoy Estrada na malaki ang posibilidad na nagagamit ang mga POGO sa surveillance at hacking ng ilang government websites.

Kaugnay na rin ito sa impormasyon na nakuha ni Senator Risa Hontiveros mula sa intelligence community na posibleng nagagamit ang mga POGO sa surveillance at hacking sa ilang websites ng ahensya.

Ikinakabahala ng ilang mga senador na hindi malabong mangyari sa Pilipinas ang ginawang pangha-hack ng Chinese government sa UK Ministry of Defense.


Ayon kay Estrada, nakakaalarma ito dahil kung nagawa ito ng China sa gobyerno ng United Kingdom ay ano pa kaya sa gobyerno ng Pilipinas.

Bagama’t wala pang buong impormasyon ang senador tungkol sa POGO sa Tarlac na nagagamit sa surveillance at hacking pero batid aniya niyang ang pinakamalaking POGO sa bansa na nasa Bamban, Tarlac ay may link sa isang pulitiko.

Facebook Comments