Paggamit sa reenacted budget, mas malala ang magiging epekto sa gagawing midterm elections – ACT

Manila, Philippines – Nangangamba ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na mas mauuwi sa kakarampot na honoraria ang panukalang gamitin ang reenacted budget sa nalalapit na midterm elections.

Tugon ito ng ACT sa apela ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa mga mambabatas na huwag nang ituloy ang reenacted budget, sa halip ay ipursige ang 2019 budget proposal upang matiyak na may sapat na pondo para sa honoraria ng mga guro.

Ayon naman kay Joselyn Martinez, ang National Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), nakarating sa kanilang kaalaman na ang proposed 2019 allotment ng Department of Budget and Management (DBM) para sa election workers’ compensation na P1.9 billion ay mas mababa sa P3.2 billion budget na hiniling ng Comelec.


Mas malala kung ang bicameral conference ang magpapasiya na ipatupad ang reenacted budget.

Paalala ni Martinez na ang election honoraria at ang iba pang kompensasyon ay ginagarantiyahan sa ilalim ng Election Service Reform o ESRA Act of 2016.

Ang kabiguan aniya na paglaan ng sapat na pondo para sa poll workers honoraria at iba pang kompensasyon ay isang paglabag sa batas.

Facebook Comments