Paggamit sa renewable energy, makakatulong sa agri-sector sa gitna ng El Niño

Iminungkahi ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang lubos na paggamit sa renewable energy para matugunan ang magiging epekto ng of El Niño phenomenon lalo na sa sektor ng agrikultura.

Mensahe ito ni Co, kasunod ng anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa bansa na ang El Niño at titindi pa ito hanggang sa first quarter ng 2024 kaya ngayon pa lang dapat ay may mga hakbang na ang gobyerno.

Pangunahing inihalimbawa ni Co sa mga renewable energy na pwedeng pakinabangan ng husto sa gitna ng El Nino ang solar-power.


Ayon kay Co, maaring gamitan ng solar power ang water supply systems na magbibigay ng malinis na tubig lalo na sa mga lugar na malalayo o matataas at mahirap masuplayan ng tubig.

Kaugnay nito ay plano ni Co na makipagtulungan sa mga eksperto para sa paglalagay ng solar-powered irrigation and fertigation systems sa Bicol Region para matulungan ang mga magsasaka.

Tiwala si Co na kung magiging responsable tayo sa pagtitipid o tamang pagkonsumo ng tubig, paggamit ng teknolohiya at pagpapalakas sa bawat komunidad ay kayang maibsan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka at sa ating kabuhayan.

Facebook Comments