Paggastos ng mga kandidato sa social media sa darating na eleksyon, babantayan

Babantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang paggastos ng mga kandidato sa social media para sa nalalapit na eleksyon.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr. na ito ay upang mabantayan ang mga kandidato na ginagawang daan ang social media upang mangampanya.

Isinama ng Comelec ang advertising sa social media networks sa broadcast ads.


Dahil dito, kailangang maghain ng campaign expenditure reports ang lahat ng kandidato at political party matapos ang eleksyon.

Una nang sinabi ng komisyon na bubuo ng alituntunin sa pangangampanya sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments