Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Panfilo Ping Lacson ang mahigpit na pagbabantay sa paggastos sa 2019 budget na naaprubahan kahit na puno umano ng pork barrel.
Itutuloy ni Lacson at pag-iibayunin pa ang ginawa niya nitong nakaraang taon na pagpapalipad ng drone sa iba’t-ibang panig ng bansa para maidokumento ang totoong estado ng mga proyekto kumpara sa mga dokumentong isinusumite sa kanila.
At matapos ang imbestigasyon ay nadiskubre ni Lacson na may mga proyektong hindi pa naumpisahan at mayroon namang pinabayaan na lamang matapos na umpisahan.
Ayon kay Lacson, ngayon ay sisiguraduhin niyang mapopondohan ang mga proyektong pinaglaanan ng mga insertions sa pambansang budget.
Diin ni Lacson, nakapaloob sa 2019 budget, ay P160 milyon na “pork” kada kongresista at kabuuang P23 bilyon naman para sa ilang senador.