Maituturing na korapsyon ang paggastos sa hindi nagamit na pondo ng Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan 2) na bigong mapalawig at nakatakdang mapaso ngayong araw (June 30).
Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, mayroong bilyon-bilyong hindi nagamit sa pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 na para sana sa mga public utility vehicle drivers, displaced workers, contact tracers at iba pang Pilipinong naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Hinikayat naman ni Rodriguez ang pamahalaan na magkaroon na ng espesyal na sesyon para sa pagpapalawig ng Bayanihan 2.
Paliwanag pa ni Rodriguez “very willing” ang House of Representatives sa ilalim ni Speaker Lord Allan Velasco para sa pagpapalawig ng batas.
Sa ngayon, nasa break pa ang Kongreso nitong ika-5 ng Hunyo at muli lamang magpapapatuloy sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-26 ng Hulyo.