Pinabibilisan na ni Senator Risa Hontiveros sa gobyerno ang disbursement o paggastos sa pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Dismayado si Hontiveros sa mabagal na paggasta ng Bayanihan 2, na mag-i-expire na ngayong June 30, 2021 kung saan mayroon pang ₱127 billion na natitira.
Diin ni Hontiveros, habang nakatengga ang pondo ay parami nang parami ang nangangailangan sa ilalim ng krisis na dulot ng pandemya.
Iginiit din ni Hontiveros na ilabas ang mga nawawalang report ng pondo upang mas mabilis na makapagdesisyon ang bansa pagdating sa paggasta para sa pandemya at para makatulong din sa pagtalakay sa budget para sa 2022.
Una rito ay inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution No. 710 para sa special audit ng COVID-19 funds na nakapaloob sa Bayanihan 1 at 2.