PAGGAWA AT PAGGAMIT NG BOGA, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL SA BAUTISTA

Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Bautista ang pagpapatupad ng batas sa pagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at paggamit ng boga o improvised cannon na madalas maglipana kapag papalapit ang pasko at bagong taon.

Ayon sa isang mambabatas, mahigpit na ipinatutupad ng munisipalidad ang Republic Act 7183 o Firecracker Law bilang bahagi ng kampanya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente kasunod ng mga kabilaang kasiyahan.

Binanggit sa pahayag na ang boga ay hindi simpleng laruan at maaaring magdulot ng malubhang pinsala tulad ng malalalim na paso, pagkaputol ng bahagi ng katawan, at maaaring kumitil ng buhay.

Nagbabala ang lokal na pamahalaan na may kaakibat na parusa ang sinumang mahuhuling lalabag sa naturang batas.

Dagdag dito, bahagi rin ng pinaigting na kampanya ang pagpapakalat ng impormasyon upang hikayatin ang mga residente na maging katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan lalo ngayong kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments