PAGGAWA NG ANDUYAN (DUYAN) PINAGKAKAKITAAN NG MGA KABATAAN SA LINGAYEN

Isang kakaibang libangan ang kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan sa Barangay Libsong East, Lingayen, ito ang paggawa ng anduyan (duyan sa Tagalog), isang produktong hindi lamang pahingaan kundi sining at pinagkakakitaan rin ng komunidad.
Sa pangunguna ng Libsong East Rising Association (LERA), isinusulong ang proyektong ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at maging sa mga mangingisda kung paano gumawa ng anduyan at lambat.
Layunin ng proyekto na linangin ang kanilang kakayahan habang meron silang dagdag na kabuhayan.
Hindi biro ang proseso ng paggawa ng anduyan. Kinakailangan ng mahabang oras, tiyaga, at pasensya. Mula sa pagbuhol ng mga hibla ng nylon o abaca, gamit ang kapirasong kahoy dahan-dahan itong nabubuo.
Sa halagang ₱250.00, maaaring makabili ng isang anduyan na gawa ng LERA. Ang bawat pagbili ay hindi lamang suporta sa lokal na produkto kundi pag-asa rin para sa pagpapatuloy ng industriya. Isang malaking tulong sa aspetong ng pinansyal ng mga kasapi, at sa paghubog ng kanilang kasanayan.
Unti-unting nakikilala ang mga anduyan ng Lingayen, hindi lamang bilang isang simpleng gamit kundi bilang simbolo ng sining at tibay ng kanilang komunidad.
Facebook Comments