PAGGAWA NG ASIN, ISINASAGAWA SA LALAWIGAN NG IFUGAO

CAUAYAN CITY- Ipinagmamalaki ngayon ng Brgy. Poblacion East, Lamut, Ifugao ang paggawa ng iodized salt gamit ang kanilang sariling pasilidad sa Tourism Village.

Ito ay malugod na inihayag ni Punong Barangay Imelda Bunnol-Cawagdan, na hinihikayat nito ang mga residente ng nasabing bayan at ibang barangay sa probinsiya na tangkilikin ang kanilang produkto.

Ibinebenta ito sa halagang apatnapung piso kada kilo ng asin, habang dalawampu’t dalawang piso naman ang kalahating kilo nito.


Samantala, siniguro naman ni Brgy. Captain Cawagdan na sapat ang kanilang produkto upang mapunan ang pangangailangan ng mga konsyumer.

Facebook Comments