Suportado ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang paggawa ng bagong polymer na pera ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa ginawang presentasyon ng BSP sa Malacañang para sa unang Philippine polymer banknote series, kasama sa serye ng mga denominasyon ang P1,000, P500, P100, at P50.
Sinabi ni Tolentino na ang polymer na pera ay mas mahaba ang itinatagal na buhay at tibay.
Matatandaang kinwestyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang BSP sa paggamit ng polymer o plastic na P1,000 bank note.
Iginiit ni Pimentel na papaano isusulong ang paggamit ng abaca sa paggawa ng pera kung tayo mismo ay hindi naman ito ang ginagamit.
Tiyak aniyang makakabawas sa kita ng 200,000 abaca farmers sa Catanduanes, Davao Oriental, Surigao del Sur, Bukidnon at Davao del Sur ang paggamit na ng polymer sa paggawa ng pera.