PAGGAWA NG BARANGAY NUTRITION ACTION PLAN, PINAGTITIBAY SA BAYAMBANG

Plano pang paigtingin ang paggawa ng Barangay Nutrition Action Plan at tamang paglalaan ng pondo para rito sa mga komunidad sa Bayambang.

Sa isinagawang Formulation Workshop ng Municipal Nutrition Council,tinalakay ang kahalagahan ng masusing paglalagak ng plano upang matugunan ang kalusugan at nutrisyon ng ng mga residente.

Sinalaysay rin sa mga punong barangay, treasurer at nutrition scholar kada barangay ang nilalaman ng memorandum mula sa Department of Interior and Local Government ukol sa mga polisiya, aktibidad at programang pang-nutrisyon.

Kalakip ng pagsasanay ang paalala sa wastong paglalaan at paggamit ng Barangay Nutrition Action Plan Fund.

Sumasalamin ang aktibidad sa patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan upang isulong ang pagkakaroon ng tamang plano na angkop sa pangangailangan ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments