PAGGAWA NG DEKALIDAD NA BANANA AT CAMOTE CHIPS SA BACNOTAN, LA UNION, ISINUSULONG

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang paggawa ng dekalidad na banana at camote chips bilang karagdagang pagkakakitaan ng mga residente.

Sa pamamagitan ng skills training, labing limang residente ang tinuruan ng paggawa ng mga naturang produkto at wastong paggamit ng teknolohiya para dito.

Pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan na maibenta ng mga residente ang gawang banana at camote chips sa Pasalubong Hub ng bayan na may potensyal maging pangunahing produkto.

Layunin ng aktibidad na mapalawak pa ang industriya ng agrikultura ng Bacnotan at madagdagan pa ang mga produktong tampok sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments