PAGGAWA NG KANDILA, KABUHAYAN NG PWDS SA BAYAN NG SAN FABIAN

Pangkabuhayan na ng mga Person with Disabilities o PWDs sa Brgy. Poblacion sa bayan ng San Fabian ang paggawa ng iba’t ibang klase ng kandila.
‘Marlang Candles’ ang kanilang tawag sa mga kandilang ginagawa nila na may ibig sabihin na maliwanag.
Kasama ang mga nasabing PWDs sa PWD Federation na pinamumunuan ni Francisco Raras na naglalayong makapagbigay sa mga ito ng pagkakakitaan.

Iprinomote naman ang kanilang mga produkto na maaaring bilhin.
Gel candle (in a glass) – Php 100.00 each
Pair of Angels – Php 27.00
Cube candle – Php 27.00
Vigil candle – Php 27.00 (3 pcs per pack)
Flowers – Php 27.00 (2 pcs per pack)
Spiral – Php 27.00
SunBurst – Php 35.00
Dip candles – Php 52.00 (12 pcs per pack)
Tumatanggap rin sila ng mga bulk orders na may malaking discount. Para sa mga nais magorder, mag-text o tumawag lamang sa kanilang cellphone number na 0917 309 6935.
Samantala, nagbigay naman ng payo si Cong. De Venecia sa mga PWDs sa ukol sa tips upang mas mapalago pa nila ang kanilang hanapbuhay.
Inaasahan din ng mga PWDs ng San Fabian na mas makikilala ang kanilang grupo bilang competitive marlang candle makers. |ifmnews
Facebook Comments