Sa gitna ng patuloy na nararanasang trapik sa National Capital Region (NCR), inilahad ngayon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang plano nilang gumawa ng tulay na mag-uugnay sa north at southern part ng Metro Manila.
Sa post-State of the Nation Address (SONA) economic briefing, sinabi ni Bonoan na plano nilang itayo ang mga tulay mula sa Marikina at Pasig River at mula doon ay mapabilis ang mobility ng mga taga-Kalakhang Maynila mula north hanggang south.
Sinabi ni Bonoan kukunti ang connectors dito sa NCR kaya’t kailangang maipagpatuloy ang construction development.
Lima hanggang anim na tulay ani Bonoan ang kanilang target na maipatayo patawid halimbawa ng Pasig River.
Dagdag ng kalihim na patuloy ring magpapagawa ang gobyerno ng mga expressway papasok sa iba pang bahagi ng NCR.
Isa na rito ang entry sa eastern part na kung saan, ang tumbok ay mga lugar ng Pasig at Cainta mula Bulacan.