PAGGAWA NG TEMPORARY BRIDGE DAHIL SA NASIRANG CARLOS P. ROMULO BRIDGE SA BAYAMBANG, INUMPISAHAN NA

Nagsimula na ang Department of Public Works and Highways sa konstruksyon ng Bailey bridge o temporary bridge sa nasirang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge sa Brgy. Wawa sa Bayan ng Bayambang.
24 oras itong tratrabahuhin ng ng kawani ng DPWH, Engineering Office ng LGU, kasama ang motorpool.
Inaasahang maitayo ang naturang Bailey bridge sa loob ng dalawang linggo basta’t maganda ang panahon.

Hanggang limang tonelada lamang ang kaya ng naturang tulay kung kaya’t ipatutupad ang one way at ang maaari lamang dumaan ay mga pedestrian, bike, motorsiklo, at maliit na kotse.
Nasa 30 laborers/construction workers at 15 welders sa emergency construction project ang inilaan ng LGU. |ifmnews
Facebook Comments