Paggawa ng test kits para matukoy ang ASF virus, sisimulan na ng Department of Agriculture

Photo Courtesy: Department of Agriculture Facebook Page

Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapagawa ng test kits para matukoy ang African Swine Fever (ASF) virus sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naglaan ang ahensiya ng aabot sa walumpung (80) milyong piso para sa pagpapagawa at pamamahagi ng ASFV Nanogold Biosensor sa mga lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng National Livestock Program ng Bureau of Animal Industry (BAI), katuwang ng kagawaran ang Central Luzon State University (CLSU).


Dahil dito, mapapabilis na ang pagbabantay at pagtukoy sa mga baboy na nagtataglay ng ASF virus.

Sa ngayon, sinabi ni Dar na nakikipag-ugnayan na sila sa Vietnam matapos makagawa ng bakuna laban sa ASF para makapagsasgawa ng clinical test sa bansa.

Facebook Comments