Paggawa ng unified central station, sinimulan na

Manila, Philippines – Sinimulan na ang konstruksyon ng unified central station o common station na magdurugtong sa LRT line 1, MRT-3 at MRT 7.

Kahapon nang pasinayaan ng Department of Transportation ang 2.8 billion peso project sa pagitan ng dalawang malaking malls sa North EDSA, Quezon City.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ang nabanggit na proyekto ay mahal kumpara sa orihinal na planong 1.5 billion pesos noong 2009 dahil na rin umano sa pagtaas ng presyo ng materyales.


Aniya, umaaasa silang makakatulong ito sa traffic congestion sa EDSA.

Nabatid na halos sampung taong naantala ang pagpapatayo ng common station dahil sa ilang kontrobersyang kinasangkutan ng mga korporsyon para sa magiging pangalan ng istasyon.

Target naman ng DOTr na matapos ang proyekto sa taong 2020 na inaasahang magpapasikip din sa daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments