
Inaantabayan pa kung matutuloy ang paggawad ng 4-star rank kay Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nakatakdang isagawa sa Malacañang.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, pangungunahan sana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang donning of ranks kaninang alas-11 nang umaga pero wala pang katiyakan kung matutuloy ito.
Nilinaw naman ni Recto na ang posibleng pagkaantala ay hindi kaugnay ng kalagayan ng kalusugan ng pangulo, kundi sa ilang isyung kailangan pang ayusin kaugnay ng dating PNP chief na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicholas Torre III.
Tiniyak din ng Palasyo na maayos ang kondisyon ng pangulo at kailangan lamang nito ng kaunting pahinga.
Sinabi naman ni Presidential Communication Office (PCO) Secretary Dave Gomez ay nasa recovery period na ang pangulo at tututok sa mga critical duties at dokumento habang maaaring katawanin ng mga gabinete ang ilang aktibidad.
Gayunpaman, inaasahan ng Palasyo ang full recovery ng pangulo sa mga susunod na linggo.










