Paggawad ng clemency sa 115 mga Pilipino, magpapatibay sa ugnayan ng Pilipinas at UAE

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang House of Representatives sa liderato ng United Arab Emirates (UAE) sa pagbibigay ng royal clemency sa 115 Pilipino.

Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang aksyon ng UAE ay isang makapangyarihang pagpapakita ng habag na magpapatibay sa matagal ng pagkakaibigan at ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at UAE.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang patuloy na pagiging mabuting host ng UAE sa mahigit kalahating milyong Pilipino na malaki ang ambag sa ekonomiya at lipunan sa Middle east.

Ayon kay Romualdez, ang nabanggit na pagpapatawad ng UAE ay hindi lamang nagdudulot ng ginhawa sa mga napalayang Pilipino kundi magbibigay rin ng pag-asa sa kanilang mga pamilya na naghihintay sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Facebook Comments