
Hindi isinasara ng Malacañang ang posibilidad na mabigyan ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mary Jane Velosco.
Ito’y matapos dumulog sa Malacañang at maghain ng petisyon ang pamilya ni Velosco para pormal na hilingin kay Pangulong Marcos na magawaran ng clemency ang kanilang anak.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung wala namang malalabag na batas at kung makabubuti ito para sa kababayan, posibleng makakuha ng positibong tugon ang pamilya Veloso mula kay Pangulong Marcos.
Noong Disyembre ay sinabi rin ni Pangulong Marcos bukas ang pamahalaan sa pagbibigay ng clemency kay Veloso, pero pag-aaralan muna itong maigi ng mga law experts.
Sa kasalukuyan ay nananatili sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si Veloso, mula nang makabalik sa Pilipinas noong December 2024 matapos ang halos 15 pagkakabilanggo sa Indonesia dahil sa kasong illegal drug trafficking.









