Manila,Philippines – Tuluyan nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planongpaggawad sa kanya ng Honorary Doctorate Degree ng University of the Philippinesboard of regents.
Giitng pangulo, noon pa man ay hindi na talaga siya mahilig tumanggap ng mga awardlalo na kung hindi niya ito pinaghirapan.
Sapress briefing sa Malacañang kahapon, una nang sinabi ni PresidentialSpokesperson Ernesto Abella na hindi naman naghahangad ng anumang parangal angpangulo.
Nabatidna mismong mga estudyante na ng U.P. ang umalma sa planong paggagawad ngnasabing parangal kay Duterte.
Ayonkay Benjie Aquino, U.P. student regent – hindi karapat-dapat bigyan ng ganoonghonorary award ang pangulo dahil na rin sa human rights violations sa ilalim ngwar on drugs.
Samantala,bagama’t tinanggihan na ng pangulo tuloy pa rin ang pagkilos ng mga mag-aaralng U.P. para pananagutin ang board of regents at liderato ng unibersidadkaugnay ng desisyon nitong bigyan ng parangal si Duterte.
Paggawad ng Honorary Doctorate Degree ng University of the Philippines, tuluyan nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments