Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang pagpili sa Chinese contractor para sa gagawing bagong Centennial Water Source, ang Kaliwa Dam Project.
Base sa report ng COA, ang resulta ng bidding ay kunwaring sumailalim sa competitive procurement process.
Tila intensyonal din ang non-compliance sa qualification requirements ng dalawa sa tatlong Chinese contractors.
Ang consortium na Guandong Foreign Construction ay nakitaang hindi tumalima sa eligibility requirements sa pagbubukas ng bid sa kabila ng kumpirmasyon mula sa Technical Working Group (TWG) na ang mga napiling kontraktor ay may ‘proven track record’ at ‘work experience.’
Maliban dito, nakakasupresa rin ang financial bid sa Power Construction Corporation of China limited dahil mataas sa 6.91% ang inaprubahang budget para sa kontrata.
Kinuwestyon din ng COA ang Chinese Energy Engineering Corporation limited dahil sa pagsisimula ng preliminary project activities nito habang nakabinbin pa ang notice to proceed nito.
Dahil dito, pinapanagot ng COA ang TWG Officers dahil sa kabiguang magsagawa ng vetting sa proyekto at mag-request ng kapalit sa dalawang hindi kwalipikadong biddgers.