Paggawad Ng Medal Of Valor Sa 42 Pnp-Special Action Force Commandos, Inaprubahan Na Ni P-Duterte

37

MANILA – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggawad ng medal of valor sa 42 PNP-Special Action Force Commandos na nasawi sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015.Batay sa sulat ni Executive Sec. Salvador Medialdea kay DILG Sec. Ismael Sueno, aprubado na ni Pangulong Duterte ang pag-upgrade sa PNP distinguished medal na una ng ibinigay sa 42 saf troopers at gawing medal of valor.Nabatid na sina Chief PNP Ronald Dela Rosa at ang National Police Commission (NAPOLCOM) ang nagrekomenda kay duterte ng nasabing award upgrade.Magugunitang dalawa lamang sa 44 SAF troopers na napatay ang nagawaran ng medal of valor noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments