Nakiisa si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa gobyerno ng Japan sa paggawad ng Grand Cordon of the Order of the Rising Sun kay dating Senate President Manuel Villar Jr.
Si Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang naggawad ng parangal kay Villar sa isang seremonya sa Malakanyang kahapon.
Kilinilala rin ng presidente ang malaking ambag ni Villar sa mas maigting na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Kaugnay nito, naghayag naman si Pangulong Marcos ng kahandaang pumasok sa iba’t ibang areas of cooperation sa Japan.
Ang Order of the Rising Sun ay isang Japanese national decoration of honor na iginagawad ng gobyerno ng Japan sa mga indibidwal sa Japan at iba pang bansa na nagpakita ng katangi-tanging achievements at serbisyo sa kani-kanilang larangan.
Maging ang mahalagang kontribusyon sa advancement ng Japan sa iba’t ibang larangan bukod sa military service.
Sa panahon ni Villar bilang Senate president, naratipikahan noong 2008 ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement o JPEPA.
Maging ang protocol na nag-aamyenda sa convention sa pagitan ng Japan at Pilipinas upang makaiwas na magkaroon ng double taxation at pag-iwas sa fiscal evasion kaugnay ng income taxes.