Para kay Senator Leila de Lima, isang malaking sampal sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilalanin ng mundo ang kabayanihan ng mga inapi niya.
Sinabi ito ni De Lima, kasunod ng paggawad sa mamamahayag na si Maria Ressa ng Nobel Peace Prize.
Itinuturing naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na napakalaking karangalan para sa ating lahat na makamit ang kauna-unahang Nobel Peace Prize ng isang Pilipino.
Diin ni Pangilinan, pinapakita nito sa buong mundo na world-class ang Pinay, world-class sa pagsabi ng katotohanan, at world-class sa tapang.
Sabi naman ni Senator Grace Poe, ipinamalas ni Maria Ressa kung paano ipaglaban ang press freedom.
Umaasa si Poe na ang misyon ni Resa ay maging inspirasyon sa mamamayang Pilipino sa gitna ng krisis na hatid ng pandemya at sa harap ng papalapit na halalan.
Binati rin ni Senator Panfilo “Ping” Lacson si Ressa sabay diin na ang nabanggit na pagkilala ay may katambal na responsibilidad na isulong ang kalayaan sa pamamahayag.
Umaasa si Lacson na magiging inspirasyon ito sa pagtaguyod ng responsible practice of journalism sa ating para sa ikabubuti ng lahat.