Inaprubahan ng Board of Pardons and Parole (BPP) ang pagbibigay ng parole at executive clemency sa 150 persons deprived of liberty (PDLs) o mga preso sa pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay BuCor Deputy Director General Gabriel P. Chaclag, ang mga nabigyan ng parole ay kabilang sa 1,174 PDLs na inirekomendang palayain noong Abril.
Ang mga naturang PDL ay mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte, Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, San Ramon Prison and Penal Farm, Leyte Regional Prison, Sablayan Prison and Penal Farm at Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Samantala, nasa 363 pa ang inirekomenda sa BPP noong Mayo, habang 87 naman ang isinumite nitong Hunyo.