Umaasa ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na maigagawad na sa nanalong bidder sa unang quarter ng 2024 para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni MIAA OIC Bryan Co, inaasahang papagandahin ng mabanalong bidder ang mga pasilidad ng NAIA maging ang complex nito.
Kasama na rito ang runway, taxiway, at ramp areas maging ang firefighting facility.
Kung maalala, nasa walong proponents na ang nakapagsumite ng bid documents para sa P170.6 bilyong proyekto.
Ang proyekto raw o ang rehabilitasyon ng NAIA ay posibleng makaapekto sa publiko kaya ngayon pa lamang ay humihingi na ng paumahin si Co.
Posible kasi umanong maantala ang ilang serbisyo sa paliparan sa kasagsagan ng isasagawang rehabilitasyon.