Paggiit na may sapat na suporta si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, tinawag na desperado

Patuloy na tumitindi ang “word war” sa pagitan ng mga kakampi nila Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Kasunod ito ng pagtawag ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga kaalyado ni Velasco na desperado na sa pagpapalabas na may sapat na numero ito para maupong Speaker.

Tahasang sinabi ni Villafuerte na niloloko nila Buhay Rep. Lito Atienza at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang mga pahayag ukol sa makukuhang numero.


Inihayag aniya nila Atienza at Leachon na suportado ng Partylist bloc si Velasco gayung sina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker at 1-SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta ay bumoto upang ibasura ang resignation ni Cayetano bilang Speaker.

Maging ang yumaong Senior Citizen Rep. Francisco Datol ay ibinilang ng mga ito na papanig kay Velasco.

Malabo rin na makakuha ng solidong suporta ang Speakership bid ni Velasco sa partido nitong PDP-Laban dahil nasa panig ni Cayetano sina Deputy Speaker Johnny Pimentel at Deputy Speaker Dong Gonzales.

Samantala, naniniwala naman si Deputy Speaker at Laguna Rep. Dan Fernandez na nagdo-double talk ang mga kaalyado ni Velasco partikular si Atienza matapos nitong sabihin na insulto para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagboto sa Marinduque solon bilang Speaker, pero dati ay tinawag naman nitong mga tuta ng Pangulo ang mga parehong mambabatas na bumoto sa hindi pag-renew ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Facebook Comments