Pagguho ng Binaliw Landfill sa Cebu, patunay na kailangang maisabatas ang panukalang Magna Carta of Waste Workers

Umaapela si House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Rep. Renee Co sa mga kasamahang mambabatas na agarang pagtibayin ang panukalang Magna Carta of Waste Workers.

Diin ni Co, ang pagguho ng Binaliw Landfill at Materials Recovery Facility sa Cebu City ay malinaw na patunay ng pangangailangang maisabatas sa lalong madaling panahon ang House Bill No. 6413 na inihain ng Makabayan Bloc.

Sa naturang trahedya, tinatayang nasa 50 waste workers ang umano’y natabunan, kung saan anim ang agad na naitalang nasawi.

Ayon kay Co, malinaw na inilalantad sa matinding panganib ang buhay ng mga waste workers dahil sa patuloy at talamak na paglabag sa Occupational Safety and Health Standards.

Binanggit din ni Co na sa ilalim ng kanilang panukala, inaatasan ang pamahalaan na magbigay ng sapat na proteksyon at seguridad sa mga frontliners sa waste management industry.

Facebook Comments