Sasabayan ng kaliwa’t kanang kilos protesta ng mga militanteng grupo ang paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw.
Magtutungo ang grupong Bayan at iba pang grupo sa Embahada ng China sa Makati City.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, sesentro ang kanilang protesta sa isyu ng paglabag ng China soberenya ng Pilipinas.
Aniya, magbibitbit sila ng mga bandila ng Pilipinas at mga placard na may mensahe para sa China at sa administrasyong Duterte.
Facebook Comments