Ngayong araw, February 22, 2023 ginugunita ng buong Simbahang Katoliko ang Ash Wednesday na hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season o Kuwaresma ngayong taon.
Nagdaos ng misa bilang obserbasyon sa nasabing paggunita ang simbahang St. John Cathedral at ilang pang mga Catholic churches sa Dagupan City na nilahukan naman ng mga deboto. Ilang mga paaralan din ang nakiisa sa obserbasyon ng Ash Wednesday at nagganap ng misa.
Alinsunod sa paggunita ay ang pagpapalagay ng uling o abo sa noo ng mga mananampalataya na bahagi ng nakasanayang mga gawi ng Simbahang Katoliko.
Samantala, ang Ash Wednesday ay pag-alala sa pagpapakahirap, pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus. Ang panahon na ito partikular na sa mga deboto ng simbahang Katolika o ang mga Kristiyanong Katoliko ay nakalaan para sa pagdarasal, pagninilay, at pag-aayuno. |ifmnews
Facebook Comments