Paggunita ng EDSA people power revolution anniversary ngayong araw, generally peaceful – PNP

53

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang paggunita ng ika-33 anibersaryo ng EDSA people power revolution ngayong araw.

Ito ang kabuuang assesment ng Philippine National Police sa harap ng mga isinagawang aktibidad may kinalaman sa anibersaryo ng EDSA people power revolution.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt. Bernard Banac, walang naitalang untoward incident ang PNP, at naging mapayapa aniya ang mga isinagawa at namonitor nilang mga kilos protesta.

Una nang nagdeploy ng 3000 pulis ang National Capital Region Police Office para bantayan ang mga aktibidad sa Metro Manila may kinalaman sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA people power revolution ngayong araw.

Facebook Comments