Inilunsad na kahapon, unang araw ng Marso 2026, ang Kick-off Ceremony para sa paggunita ng Fire Prevention Month ngayong taon sa Bayan ng Rosales.
Sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 1, dinaluhan ang naturang kaganapan ng kanilang mga kawani at ng mga partner agencies tulad ng DOH, DILG, DEPED, OCD, at maging ng LGU Rosales.
Sa mensahe ni Fire Chief Superintendent Rizalde Castro, ang Director for Intelligence and Investigation ng Headquarters ng BFP, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kanilang gampanin sa pag-apula maging sa pag-mitigate ng mga naitatalang sunog.
Samantala, pinaalalahanan naman ni BFP Region 1 Acting Director FSSUPT Antonio Razal Jr. ang rason kung bakit nila ginugunita ang Fire Prevention Month.
Para naman kay SM Rosales Assistant Mall Manager Chao Chua, malaking tulong umano ang ganitong kaganapan upang mabigyan ng kamalayan ang kanilang mga tenants ukol sa fire safety.
Sa naturang aktibidad, ibinida ng BFP ang kanilang mga kagamitan, pati na rin ang kanilang uniporme.
Ang Fire Prevention Month ay ginugunita tuwing buwan ng Marso alinsunod sa Presidential Decree No. 115-A. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






