PAGGUNITA NG GIRL CHILD WEEK AT WOMEN’S MONTH 2026, PINAGHAHANDAAN NA SA DAGUPAN CITY

Pinaghahandaan na sa Dagupan City ang paggunita ng Girl Child Week at Women’s Month 2026 ngayong Marso, kasabay ng paglatag ng mga aktibidad na magtatampok sa adbokasiya para sa kababaihan at mga batang babae.

Kabilang sa mga inihahanda ang isang recognition walk para sa kababaihan sa Marso 2 bilang bahagi ng Girl Child Week 2026.

Itinakda rin ang iba’t ibang aktibidad sa Marso 4 para sa pagdiriwang ng Women’s Month 2026, na layong palawakin ang kamalayan hinggil sa mga isyu at karapatan ng kababaihan.

Tinalakay ang mga preparasyon sa pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children at iba pang sektor ng Pamahalaang Lungsod.

Facebook Comments