Paggunita ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, naging mapayapa – PNP

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang isinagawang kaliwa’t kanang kilos-protesta kasabay ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution kahapon.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, walang naitalang untoward incident ang pulisya kasabay ng mga pagkilos kahapon.

Ilan sa mga pinagdausan ng kilos-protesta ay sa Ayala Avenue sa Makati City, Maynila at mini concert sa People Power Monument.


Sinamantala rin ng grupong PISTON at nagkasa ng demonstrasyon bilang pagtutol sa PUV Modernization Program.

Nabatid na nasa 1,000 pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na i-dineploy sa vicinity ng People Power Shrine White Plains sa EDSA kahapon para tiyakin ang seguridad sa lugar.

Facebook Comments