Paggunita ng Independence Day, gawing inspirasyon ng mga Pilipino

Hinimok ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga kababayan na patuloy na gawing inspirasyon ang paggunita ngayon ng Independence Day.

Ang pahayag na ito ni Villanueva ay kasunod ng pakikiisa ng Senado sa sambayanan sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ikinalugod ng senador na mula sa mga bayaning nagtanggol at nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan noon at hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin ang kabayanihan ng mga Pilipinong patuloy na nag-aangat sa bandila ng bansa.


Hiling ni Villanueva na patuloy na magbigay ng inspirasyon ang paggunita sa ating kalayaan at mga nagawa ng mga makabagong bayani ng bansa upang lalo pang pagbigkisin ang buong bayan.

Umapela rin ang mambabatas na patuloy na mahalin at pahalagahan ang kalayaan ng bansa.

Facebook Comments