Generally peaceful ang ikinasang mga pagkilos ng mga militanteng grupo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo, simula kaninang umaga hanggang sa mga oras na ito ay wala silang naitalang untoward incident.
Aniya, pinairal ng kapulisan ang maximum tolerance sa mga idinaos na kilos protesta.
Nagself-disperse ani Fajardo ang mga militante partikular sa Region 4A habang sa Mendiola ay naging organisado din ang isinagawang martsa at demonstrasyon ng mga raliyista.
Nabatid na nasa 60,000 na mga pulis ang ipinakalat ng PNP ngayong Labor Day sa buong bansa na nakatutok sa freedom parks at iba pang lugar na pinagdarusan ng iba’t ibang pagkilos.
Facebook Comments