Paggunita ng Maundy Thursday at Holy Friday kasabay sa umiiral na ECQ, generally peaceful, ayon sa DILG

Naging mapayapa ang paggunita ng Maundy Thursday at Good Friday kasabay ng pinalawig na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ito ang naging security assessment ng Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Philippine National Police (PNP).

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, aminado siya na marami pa rin ang mga pasaway at maraming gustong lumusot sa mga checkpoint.


Aniya, karamihan sa mga naaresto ay dahil sa curfew at quarantine violation, mga nagsusugal at mga nagtutupada.

Giit pa niya, bagama’t marami ang mga violator, wala namang naitalang untoward incident sa buong bansa.

Sa huli, sinabi ni Malaya, nasa maayos na ng kalagayan si DILG Sec. Eduardo Año matapos nagpositibo sa COVID-19 at hiling niya sa publiko na magtulungan, makiisa para sugpuin ang nasabing sakit at suportahan natin ang mga magigiting na frontliners.

“In behalf of Sec. Año, he’s doing very well and on he’s way to full recovery and to the public, we ask for your full cooperation, alam ko po yung iba diyan ay nababagot na but, dalawang linggo na lang itong tiis. For our country and for all people and let support our frontliners and that’s not discriminate against them. Pag-tayo ay nagtulungan at nagsama-sama matatalo po natin ang COVID-19.”

Samantala, ayon sa huling ulat, April 10, ng PNP, sumampa na sa higit 101,000 ang lumabag sa ECQ.

Batay sa datos, 60,040 ang lumabag na galing sa Luzon; 18, 514 ang sa Visayas; at 23, 420 sa Mindanao.

Facebook Comments